MENU

Katha ni Rolando S. Soliven

Nais kong magtanong sa lahat ng dilag,
Pa'no ba uuriin ang ganda ng bulaklak?
Sa bango bang angkin na hatid ay galak
O sa rikit na taglay na nakabibhag?

Ang bango't samyo ba ay makasasapt
Sa lahat ng hirap pwede bang itapat?
Sa pagod at pagal ba ay mailalapat.
Matatanggal nga ba, papawiin lahat?

Kay raming bulaklak na nagwawagayway
Ang angking karikitan ay abot ng kamay
Nguni pa'no pipiliin ang dapat na alay
Sa babaeng nagtangig ang tawag ay "Inay"?

Sa lahat ng hirap, sa lahat ng pagod
Lahat niya'y binigay sa anak na lingkod.
Dusa'y 'di iindahin kahit na hilahod
Kahit pa bagsak na, bali ang gulugod.

Ang luha sa mata ng anak na irog
Kanyang pupunasan ng kamay at hagod
At saka hahagkan ng labing malambot
Upang takot sa dibdib mabaon sa limot.

Ikaw ang sandigan mula ng maliit,
Ikaw ang panangga kay Tatay na galit.
Lahat ng hiniling ibinigay pilit
Kahit ayaw at masakit mata ay pinikit.

Ang pagmamahal mo ay walang kawangis
Ikaw ang lunas ko sa aking pagtangis
Sa lahat ng supling walang ninais,
Kundi ang mahalin, arugaing labis.

Hindi man sumapat, lahat ng bulaklak
Nawa ang tula ko'y magdulot ng galak.
Maging "Duyan" nawa ng diwa mo "Nanay"
Payapang sandali... makamtan sa alay...